"Hindi ako nagkakabisado ng script talaga, kahit sa Luv U. Titingnan ko lang ‘pag magte-tape na o kaya may rehearsal. Titingnan ko ‘yung script kung ano ‘yung mga lines ko pero hindi ko siya kinakabisado per word kasi ‘di ba ‘yung ang script parang reference mo, hindi talaga ibig sabihin na iyon ang sasabihin mo. Parang sa akin, sasabihin ko in my own words pero same meaning lang ng nasa script para magmukhang totoo,” he says.

“Gabi na no’n tapos sabi sa ‘kin, ‘Nash, ganito ha. Kailangan kapag sasaludo ka, pagbaba ng kamay mo at kapag nandito na sa leeg mo, doon lang tutulo ‘yung luha mo.’ Sabi ko, ‘Sige direk,’ eh pagod na rin ako noon tapos sinubukan ko — eh nagawa ko! Sabi ko (sa linya,) ‘Ako ate, mahal na mahal pa rin kita,’ tapos ‘pag baba ko doon tumulo ‘yung luha ko. Sigaw nang sigaw si direk, ‘Yeah! Yeah!’ kaya tuwang-tuwa ako kasi nagawa ko at tuwang-tuwa rin siya kasi nagloloko lang siya pero nagawa ko. Sabi niya, ‘Iba kang bata ka. Iba ka, iba ka,’” he recalls.
source: http://www.mb.com.ph
0 comments:
Post a Comment