Naiilang at hindi mapakali si Ella Cruz habang pinapanood ang first one week episode ng newest teleserye ng ABS-CBN na Bagito na nag-premiere nu’ng Lunes before TV Patrol.
Hindi niya raw ini-expect na paulit-ulit ipalalabas ang eksenang nagsukob sila sa kumot ni Nash Aguas, bida sa serye na nag-i-insinuate ng sexual act.
“Grabe, hindi ko talaga akalain na makakagawa ako ng ganu’n. Ito na talaga yung isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko sa buhay ko. Kaya binigay ko rin talaga yung pinaka sa pinaka-best ko.
“Medyo na-shock lang kasi ako dahil paulit-ulit talaga siyang pinapakita kasi may flashback pa. I don’t know talaga how to react, hindi ako sanay,” pag-amin ni Ella after the press preview of Bagito.
Ella is portraying the role of Vanessa na isang 18-year-old college student sa Bagito and she admits na ito ang unang pinaka-mature role na kanyang ginampanan.
“Eighteen din naman si Vanessa sa Bagito. Kaya ko siya kinuha dahil sa karakter niya mismo, sobrang challenging niya po kasi. Binalewala ko lahat... alam nating for sure, may masasabi at masasabi sila, pero I’m just being professional po.”
Di ba siya kinabahang gawin ang eksena nila ni Nash?
“Sobrang kabado po namin parehas... Sabi ko, ‘ah, 18 na talaga ko.’ Sinabi naman po nila sa akin na may ganu’ng eksena at alam ko na darating din naman sa punto na gagawa ako ng ganu’ng eksena.


