Showing posts with label nash aguas.. Show all posts
Showing posts with label nash aguas.. Show all posts

Nash Aguas on the success of ‘Bagito’: ‘Nakakatuwa po at pressured’


Nash Aguas admitted that he feels overwhelmed by the massive success of his new soap Bagito on its pilot week. "Ayon po sobrang nakakatuwa po at pressured po kasi sobrang ang taas po ng ratings po. Hindi ko ini-expect na ganon kadami ang manood kahit sobrang konti lang ng promotions sobrang thank you po sa lahat ng nanood," he said.

Bagito is the story of a high school student named Andrew "Drew" Alvarez (Nash Aguas) who is confronted with the huge responsibility of having a baby at such a young age. The soap hit a national TV rating of 27.2 % for its first episode according to Kantar Media.

Nash shared that his mom felt awkward watching his new role on TV. "Ayun si mommy naman alam niya na ‘yon ‘yung mga mangyayari pero noong napanood niya parang hindi siya makapaniwala kasi kung paano ko daw ginawa parang ako talaga ‘yung si Drew, parang nakikita talaga niya ‘yung totoo siya, medyo na-awkward siya kasi nga don sa scene,” he stated.

The young actor relayed that a lot has changed since he headlined the teen soap opera. "’Yun may bago na po akong pangalan ‘Bagito.’ Ayun po siguro ‘yung nagbago is ‘yung tingin sa akin ng mga tao. ‘Bagito’ nga ‘yung tawag kasi parang na-hook sila don sa character ko sa Bagito eh natutuwa naman ako kasi ibig sabihin non nagawa ko ‘yung parte ko ng maganda kasi parang ‘yung character ko tumatak sa mga tao," he said.

On what the viewers should expect from the upcoming episodes of the soap, Nash shared, “Ang dapat niyong abangan ay kung ano ‘yung epekto actually nong sitwasyon niya nong nagkaroon siya ng anak dahil ‘yun naman ‘yung conflict ng story na mapakita sa tao kung ano ‘yung epekto kapag ginawa mo ‘yung ginawa ni Drew.”

Abangan ang kwento ng pagbibinata ni Andrew sa Bagito!


Goin Bulilit Pictorial


NASH on MMK NANAY ROSA


watch our Nash on MMK

Child actor Nash Aguas lends his voice in the animated film "Dayo"






Ang boses ng child actor na si Nash Aguas ang ginamit para
sa character ni Buboy sa animated film na Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, na
entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi naman daw nahirapan si
Nash dahil hindi kinailangang baguhin ang boses niya katulad ng
ibang characters sa pelikula.

"Excited po ako, tapos first time ko pa po," sabi ni Nash saPEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung mga cartoons po, napapanood ko po,iniisip ko po kung sino yung mga nagbo-boses. Tapos po, ngayon, ako po yung magbo-boses kaya excited po ako na magawa ko po ito."Naruto at Ben 10 daw ang paborito niyang cartoons or animena pinapanood.Hindi na raw dumaan si Nash sa audition to dub the voice of Buboy. In a way, feeling daw niya ay nakaka-relate din siya sa character na binigyan ng boses.

"Parehas kasi kami na matatakutin sa mga manananggal, sa mga
multo," banggit ni Nash. "Tapos po, yung pagiging makulit. Kaya lang po, yung
walang bilib sa sarili, siguro yun. Si Buboy po kasi, wala po siyang bilib sa
sarili. Nang magpunta lang po siya ng Elementalia, noon lang po siya nagkaroon
ng bilib sa sarili."

Hindi naman daw siya nahirapan na maging voice talent.
"Hindi ko naman po kasi iniba ang boses ko, unlike yung iba po. Kaya po hindi naman po ako masyadong nahirapan. Actually, bago po talaga ko magpunta sa recording, kinakabahan po akong talaga. Yun po pala, yung boses ko lang po pala talaga ang babagay kay Buboy," lahad ng child actor.
Wish ni Nash na sana raw ay panoorin ng marami ang Dayo.
Kung siya ang tatanungin, ano sa palagay niya ang dapat
abangan ng mga manonood para ang pelikula nilang Dayo ang panoorin
among all the filmfest entries?

"Sana po, manood po sila ng Dayo dahil first digital
animated movie po ito ng Filipino po. Sana po, panoorin naman nila ang
gawang Filipino. At sana po, panoorin po nila dahil pinaghandaan po talaga.
Pinaghirapan po ito 24 hours kaya maganda po talaga ito," saad ni Nash.

HEIGHT MATTERS. Sa press conference ng Dayo sa Ratsky's Bar sa Tomas Morato
last Thursday afternoon, December 11, napansin ng entertainment press na tila
hindi masyadong tumatangkad si Nash magmula nang manalo siya sa Star Circle
Kid Quest
noong 2004.


Pero dinepensahan naman ng child actor agad ang observation

sa height niya. "Hindi naman po. Tumatangkad naman po ako, e. Dati po,
3'11" lang po ako or 3'10", pero ngayon po, nasa 4'3" na po ako," sabi ng 10-year-old child actor.

Hindi ba siya natatakot sa sinasabi ng iba na kapag
nag-aartista ang bata, kadalasan ay hindi sila gaanong lumalaki?

Kuwento ni Nash, "Sabi po ni Kuya PJ, ni Kuya Piolo Pascual,
noong siya raw ay 10 years old, maliit lang din daw po siya. Pero noong
nag-circumcise na raw po siya, tumangkad na raw po siya agad.

"Natutulog naman po ako ng 10 hours. Natutulog naman po ako
ng kumpleto!" natatawa niyang sabi.

Pero kahit bata pa lang si Nash, mukhang may sariling taste
na siya when it comes to girls. In fact, buong-ningning nitong inamin na ang
crush daw niya ay si Cristine Reyes.

"Nakasama ko na po kasi siya sa Banana Split, maganda po
talaga siya!" nakangiting pag-amin niya.

Mahilig pala siya sa mapuputi? "Opo," nahihiya niyang sabi.

Kakatapos lang daw niya ng Lobo kaya wala pa siyang
follow-up project sa ABS-CBN. Pero mapapanood daw siya sa movie
nina Piolo Pascual at Angel Locsin, ang Love Me Again.

author: Rose Garcia

Nash Aguas an amazing actor





Award-winning director Peque Gallaga said that voicing a movie is a hard thing to do. That’s why he was really impressed with Star Magic actor Nash Aguas, who did not have a problem doing it. The 10-year-old voiced the lead character Buboy in Dayo. In voicing, the dubber must not only be concerned with synchronization with what’s going on the screen, but put across the correct emotion at the same time he’s reading the script. Peque makes a comparison between Nash and himself, a seasoned actor and much-acclaimed filmmaker. “Nash had only few mistakes in voicing. That’s understandable. Nobody’s perfect. On the other hand, I made many mistakes! Oh my God! It’s shameful!
And to think he has more lines and a wider range of emotions to do. Nash is an amazing actor!”


written by: Edgar Cruz

kythe-ateneo's outreach program


Quezon City circle for outreach event ng ateneo,courtesy of cory vidanes and nikki..